10 Rason : Ayaw mag-exercise

Title pa lang, sapul ka na? Wag kang mag-alala, sapul din ako haha.

Hindi ba’t alam naman nating lahat na ang ehersisyo ay maganda at mabuti para sa ating kalusugan, pero aminin mo, ang hirap nyang gawin at tuparin?

Well, in a sense mahirap naman talaga sya pero kung kalusugan na ang pag-uusapan dapat walang rason. Pero narito ang ilan sa mga rason kung bakit ayaw nating mag-exercise:

  1. Bukas nalang pramis! – Bukas nalang pramis, mukhang hindi ko na kailangan pang ipaliwanag. Kakabukas mo, bukas sasabihin mong bukas nalang hanggang maging cycle na at di na matuloy.
  2. Busy eh – tingin ko naman walang taong 24/7 magtrabaho. Kung sasabihin mong ikaw, baka matampal pa kita haha. Ano ka robot? 3 to 4 hrs a week na nga lang eh 2.38% lang yun ng isang linggo. Pag inuman game, pag workout over? Gameover ka!
  3. Mahirap gumising ng maaga! – Edi sa gabi ka magworkout. Ako hirap din gumising ng umaga at aminado akong guilty ako dito. Pag tanghali ka na gumising at pumasok, late ka na din makakuwi. At pag late ka na nakauwi, late ka na matutulog, hindi ka na makakapagwork-out. Hanggang paulit-ulit na cycle na ang mangyari.
  4. May lakad kami eh! – Lagi nalang may lakad diba? Try mo din tumakbo, baka pumayat ka.
  5. Nakakapagod pre! – Alam mo, ang sakit sa tenga pag naririnig ko to sa mga kaibigan ko lalo na si Bob (haha sorry pre kung mababasa mo to), ang sarap mong kuyugin magisa eh. Talagang nakakapagod yun!
  6. Sayang ang pera – Kung susuriin mong mabuti, gagastos ka talaga. Membership fee, gears, tumblers, etc., pero kung iisipin mo naman yung magiging benepisyo sa kalusugan mo, baka mas nakatipid ka pa.
  7. Lalaki yung katawan ko, ayaw ko nun. – Seriously? Pag naggym, lalaki agad katawan? Di ba pwedeng magpapapayat lang? Kung ganun kadaling magpalaki ng katawan, lahat na siguro naggym. Ang alam kong madali ay magpalaki ng tiyan, tama ba?
  8. Baka pagtawanan lang nila ko – Kathang isip mo lang yun bro. Mas natutuwa nga sila pag may bagong myembro. At saka, san ka naman nakakita ng taong pinagtatawanan dahil gusto nyang baguhin ang sarili nya?
  9. May kakilala kong binawian ng buhay dahil dyan – So ibig sabihin lahat na lang ng gagawa non babawian ng buhay? Edi wow! Oo, marahil may mga taong physically fit pero inaatake sa puso. Bakit kamo? Hindi ako isang dalubhasa pero sa aking opinyon, may kinalaman doon ang genes, habit ng pagkain, bisyo, at iba pa. Ano ang sense ng #balikalindog program mo kung pinapatay mo lang din ang sarili mo? Diba it “defeats the purpose”?
  10. Hindi ko kayang magbuhat ng mabigat. – Bakit sa tingin mo ba yung mga nagbebench press ng sobrang bigat, kaya nila yun nung 1st day palang? Nahihiya ka kasi sing laki ng platito yung binubuhat mo? Ano naman ngayon? Walang taong pinanganak ng expert agad sa isang bagay, may kasabihan nga tayo na “an expert was once a beginner”. Cheer up dude, mas masarap umangat galing sa baba kaysa malaglag galing sa taas.

Hanggang dito na lang po, abangan ang mga susunod na kabanata ng 10 Rason.

Comments/Suggestions are always welcome! Don’t forget to SUBSCRIBE!

Thank you and Godbless. . .!

One thought on “10 Rason : Ayaw mag-exercise

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: