Utang-gihan Mo!

Alam mo ba na karamihan sa ating mga Pilipino ay baon sa utang o di kaya’y walang ipon? Marahil maraming magsasabing, “Anong bago dun?”. Yun na nga ang punto ko, “Walang bago”.

Nakakapagod yung kayod ka ng kayod ngunit wala kang ipon para sa sarili mo. Naisip mo bang, pano kung isang araw bigla ka nalang mawalan ng trabaho? Bigla nalang mawala ang iyong pinagkakakitaan, ano ang gagawin mo?

Isa rin ako sa mga mamamayan na naghangad ng ginhawa sa buhay at naniniwala ako na, “Walang mangyayaring maganda kung hindi ka kikilos…” Yes, that is true. Umeenglish pa… ACTUALLY (LOL), sa totoong buhay walang source of income na wala kang gagawin. Marami dyan, sasabihan ka ng “maglabas lang po kayo ng ganitong halaga at kami na ang bahala”. Wala ka bang ginawa? Mali, meron pa din kasi naglabas ka ng pera. Walang madaling paraan upang kumita ng pera at yon ang totoo. Pero kapatid, wag kang mawalan ng pag-asa dahil may mga tips ako para sa iyo.

  1. Wag kang kumuha ng maraming “Credit Card”. Tama ang pagbasa mo, hindi kita pinagbabawalang kumuha ng credit card pero limitasyon ang kailangan. Dalawang credit card nga lang mahirap ng bayaran, dadamihan mo pa. Malaking responsibilidad ang kakailanganin mo, pangalan mo at ng pamilya mo ang nakataya sa simpleng pagkuha ng programang nasabi sa itaas(credit card). Isipin mo na lang kaibigan, nakakatuwa bang lumiit ang mundo mo dahil hindi ka makabayad ng utang? Yung tipong buwan-buwan ang daming sulat na dumadating sayo? Yung tipong halos mawala ka na sa bahay mo wag lang abutan ng Mailman? Yung tipong, alam mo na yon.
  2. Wag matakaw masyado (guilty ako :D). Pero in reality, malaking portion ng expenses mo ay napupunta sa pagkain. Bakit? natural kasi kailangan natin ang pagkain. Parang gasolina sa sasakyan, hindi aandar pag wala. Kung susumahin mong mabuti, oo sasabihin mong “Php 100 lang naman ang nagastos ko sa lunch eh”. Pero ate at koya, lunch lang ba ang kinakain mo sa isang araw? Pano ung almusal, recess, meryenda at hapunan? May midnight snack ka pa nga. -Aminin! So papatak na ((100×5)x365) ang gastos mo kada taon, kayo na po bahala sa computation. Joke! Php 182,500 ang food expense mo per year. Take note, ikaw pa lang yan ha at wala pa yung mga lakad at gala nyo with friends, relatives, gf/bf/asawa. Ang kagandahan pa nito, pag nagbawas ka sa kain, papayat ka. Diba yun ang uso ngayon? Makiuso tayo paminsan. 🙂
  3. 3 in 1. Yes, mas mura at abot kaya. Although, paminsan-minsan wala namang masamang mag SB or CB pero minsan lang. Wag yung minsan sa isang araw. Imagine, 3 in 1 costs you 10 pesos while the other brand costs you almost 200 pesos. 95% expensive pa sya kesa sa ordinary, pero kung talagang mapilit ka at may pambili ka naman then, wala akong karapatang pigilan ka. As long as alam natin ang ating mga responsibilidad.
  4. Mall-ennials, alam nyo yung tipong oras-oras nasa mall? Yan yun! Una sa lahat, wala namang masamang mamasyal sa Malls, in fact masarap talagang magshopping at mamili ng mga bagay na maganda at bagay sa atin. Ngunit kung aaraw-arawin mo at halos wala ng laman ang bulsa mo, panahon na siguro para pagisipan mo ito kapatid. Pwede naman mag “window-shopping” kung walang pambili, masarap yung feeling na pinagipunan mo yung item na gusto mong bilhin kesa naman inutang mo tapos napagsawaan mo agad, nasayang lang. Pwede mong ibenta, kaso isipin mo naman nagdepreciate na agad yung value nya once napasayo unless bahay at lupa ito or yung mga bagay na nagaappreciate ang value over time. Pigilan ang sarili, pagisipang mabuti at magcanvass. Walang masamang magtanong, karapatan natin yun bilang consumer.
  5. Para hindi mabaon sa utang, “Magbayad.. Wala namang ibang paraan kung hindi maging responsableng tao at bayaran ang pinagkautangan. Alam mo ang isang bagay na inutang mo kasabay ng perang nakuha mo na hindi matutumbasan ng kahit ano? “Tiwala”. Sa tingin mo ba pag nangailangan ka ulit tutulungan ka nya? I doubt, lalo na kung sinira mo ang tiwala nya sayo. Bakit? Pag lalapit ka sa kanya, unang iisipin niya “baka hindi magbayad to”. Masakit masabihan ng “kailangan mo lang pag gipit ka” kaya paglaanan ng oras at budget upang mabayaran ang inutangan. Wag pagtaguan at alalahanin mo, may pangangailangan din sila kagaya mo.

Marami pang mga paraan upang tayo ay maka-ahon sa buhay. May mga talentong pinagkaloob sayo upang gamitin at hindi itago. Maraming hadlang pero gawan ng paraan upang makamtam ang pinapangarap. Magisip ng maraming beses bago magdesisyon sa isang bagay na habang-buhay mong pagsisisihan. At higit sa lahat, wag kalimutang magdasal. Super effective ang prayers lalo na kung taimtim.

Kung nagenjoy ka sa pagbasa, maraming salamat at sana nakatulong ako sayo. Kung may mga payo/suggestions ka, huwag mahiyang magcomment, papakinggan kita. Salamat!

Donations will always be appreciated. 🙂

Donate with PayPal

 

One thought on “Utang-gihan Mo!

Add yours

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Powered by WordPress.com.

Up ↑

%d bloggers like this: